Sunday, October 8, 2017

Mulan - Arniela Ventura

Ang animated na pelikulang ito ay tungkol sa kwento ni Fa Mulan, isang Intsik na babae na naging isang sundalo upang iwasan ang kanyang ama sasali sa digmaan. Ito ay batay sa alamat ng Tsina na Hua Mulan. Lumabas ang isang utos ng Chinese emperor na kinakailangan ng isang lalaki sa bawat pamilya na sasali sa Chinese Army. Nag-aala sa kalagayan ng kanyang ama, hindi gusto ni Mulan ang kanyang matandang ama na isang army veteran na sasali sa digmaan kaya kinuha niya ang posisyon bilang kinatawan sa kanilang pamilya at pagkukunwari ng isang lalaki sa ilalim ng pangalang, Ping.


 Sa pelikulang ito, makikita ang isang pananaw at teoryang pampanitikang peminismo kung saan nakatuon sa mga kababaihan at may punto de vista o pananaw ng isang peminista. Makikita din sa pelikula ang mga pananaw na sexism kung saan makikita ang diskriminasyon sa isang kasarian lalo na sa kababaihan. Dahil isa siyang animated musical action comedy-drama film, may pagkakahalo ng iba’t ibang uri na lingwahe at elemento ang ginamit sa pelikula. Nagpapakita rin ng iba’t ibang klase na pag-ibig na mararamdaman ng mga tagapanood sa pelikula at yun ay sa sarili, pamilya, kaibigan, kasintahan at sa bayan. Mula sa simula hanggang sa huli, may makukuha ka na mensahe tungkol sa pag-ibig at sa buhay na maaaring magagamit sa totoong buhay.

Titanic - Alaiza Micabalo

Ang pelikulang titanic ni James Cameron ay nagpapakita ng Marxismo na Teorya ng Panitikan. Sinasabi sa teorya na may dalawang dibisyon ang lipunan, ang bourgeoisie at ang proletariat, kung saan sa pelikula ay matatawag na “upper class” at “Lower class. Ipinakita sa Titanic na may isang komplikadong kaayusan tungkol sa relasyon sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap sa loob ng barko. Matutunghayan sa pelikula na iba ang pagtrato sa mga mahihirap at mayayaman sa loob ng barko kung kaya’t masasabi nating hindi pantay ang trato. Isa sa mga pangyayari sa pelikula kung saan makikta ang teortang marxismo ay ang pagbabawal ng mga “third class” sa pagpunta sa Upper Deck, ngunit pagdating sa mga “First Class” ay maaring pumunta doon kahit kalian.

Sa pelikula rin makikita natin ang pakikipagsapalaran ng mga bida upang magtatagal ang kanilang pag-iibigan. Si Jack na isa sa mga mahihirap o lower class na binatilyo na kailangan pang sumugal sa kanyang buhay sa pagkuha lamang ng ticket sa barko ay magkakamabutihan kay Rose na isang mayaman dalaga at maaring gawin ang nais niyang gawin sa loob ng barko. Isang scene sa palikula ay nasa top deck ang lahat ng bisita sa barko at makikita base sa kanilang mga suot ang pagkakaiba ng dalawang class ng lipunan. Sa paglubog din ngg barko, makikita parin ang kapangyarihan ng mga upper Class man dahil sa paglubog ng barko mas inu-unang silang sanasagip kesa sa mga Lower Class. Kaya ang pelikulang ito ay nagpapakita nga maraming eksena na hindi pantay ang Sistema ng lipunan sa pagitan ng mga lower class at upper class.

Moana - Danica Malazarte

Ang pelikula Moana na idinerek nina Robert Clements, at John Musker. At isinulat nina Rober Clements, John Musker, Don Hall, Chris Williams, Pamela Ribon, Aaron and Jordan Kandell. Ito ay tungkol kung paano ang isang kahalili ay maaaring maging isang epektibong lider, at kung paano maabot ng isang tao ang kanilang buong potensyal. At isa itong adventure sa anak ng Polynesian chief na nag set off ng isang quest upang maligtas niya ang kanyang mga tao.

Ang pelikula ay dapat mag-apela sa mga tumitingin sa lahat ng edad. Ang mga nakakatakot, mapanganib na mga eksena ay kinabibilangan ng mga run-in na may nakakatakot, marahas na monsters (isa na ginawa ng lava, ang iba pang isang higanteng alimango) at may mga bagyo at alon ng karagatan. Ang mga character ay umakyat din laban sa isang barko na puno ng kaibig-ibig (ngunit armadong) mga pirata ng niyog, isang character na namatay (offscreen), at isang pares ng mga lalaki awtoridad sumigaw sa Moana. Mayroon ding kaunting wika kasama ang mga linya ng "puwit" at "pipi." Kung hindi man, ang pelikula ay dapat na mainam para sa mas batang mga manonood, na nag-aalok ng mga positibong mensahe ng self-discovery at empowerment. At ang Moana mismo ay isang mahusay na modelo sa lahat ng bata at iba pa, nagpapakita din siya ng tiyaga, pagkamausisa, at tapang.



Ang kagilas-gilas na pakikipagsapalaran dahil sa pagbibigay kapangyarihan sa storyline nito,na nagpapasalamat sa kultura ng Polynesia, at dahil sa pakiramdam nito-magandang musika, sa kagandahang-loob ng tagalikha ni Hamilton na si Lin-Manuel Miranda. Ang kaibigang Hawaiian na mang-aawit na Cravalho at Johnson (aka "The Rock") ay nagbabahagi ng isang student-mentor tulad ng kimika bilang hinimok na Moana at mythic Maui. Hindi tulad ng anumang iba pang "Disney princess" na pelikula, ang Moana ay ganap na romance free, hindi kailanman isang beses nagdadala ng kanyang mga prospect kasal sa pangunahing character. Ang kalagayan ni Moana bilang susunod na pinuno ng isla ay walang pag-aalinlangan, at napakasaya siya na sinusubukang diplomatikong lutasin ang mga problema ng kanyang mga tao na ang kakulangan ng isang interes sa pag-ibig ay wala.

Babang Luksa - Edj Mahilum

Ang tulang ito ay tungkol sa paglisan ng kanyang minamahal, mga alaalang kaysaya na hindi na mauulit pa. Ito ay salin ni Olivia Dantes ng “Pabanua” ni Diosdado Macapagal. Nakalahad rito ang lahat ng poot na nararamdaman niya sa paglisan ng kanyang mahal, iniisip niya ang mga posibilidad na mangyari kung hindi namatay ang kanyang mahal. Nagnanais na maibalik ang oras upang makasama pa ang kanyang minamahal ng mas matagal. Palitan ang mga imahe na hindi masaya, at sana madagdagan pa ang kanilang mga alaala. Ngunit alam naman niyang imposible ang mga bagay na iyon, pero hindi parin siya nawawalan ng pagmamahal, naniniwala siyang “hanggang langit ang kanilang pagmamahal”.

Gumamit ang manunulat ng tulang ito ng pormal na lingwahe, kailangan ang matinding pagbabasa at pagaanalisa upang maintindihan ang tulang ito. Mga malalim na mga salita na may mas mabigat na emosyon. May sinunod din na straktura ang manunulat, may labing dalawang sukat ang tulang ito, bawat linya ay may labing dalawang pantig. Nakapaloob sa tulang ito ang isang napakamalungkot na istorya, sa kabuuan ng tula siya nagdadalamhati sa pagsapit ng isang taong anibersaryo ng pagkamatay ng kanyang minamahal. Mula sa simula malungkot ang mga mensahe ng tula, ngunit bawat taludtod ay naiibsan ang dalamhati na kanyang dindala, nababawasan ito unti-unti dahil maraming siya napagtanto na mga bagay bagay. Marami ring mga nagmamahal na nawawalan ng minamahal. Sila ang mga mambabasa na target ng manunulat. Dahil maiiugnay nila ang kanilang mga sarili sa tulang ito. Hindi naman ibig sabihin na hindi ka sawi di mo na maiuugnay ang iyong sarili, bilang mambabasa pwede mo namang ilagay ang iyong sarili sa kuwentong iyon, mararamdaman mo ang pighati ng manunulat.

 Ito ay isang halimbawa ng romantisismo dahil nangingibabaw ang nararamdaman ng manunulat, sa bawat linya na kanyang binibitawan nararamdaman ng mambabasa ang pighati niya. Mga damdaming nangingibabaw sa tula, ang pagmamahal niya sa kanyang yumaong kasintahan, at ang pighati niya rito. Sa tula inaalala niya ang maraming bagay noong nabubuhay pa ang kanyan sinta, inalalahad niya gaano sila kasaya at simple. “Subalit sa akin ang tanging naiwan, Mga alaalang di-malilimutan” sa linyang ito nangingibabaw ang pighati ng manunulat sa dahil lumisan ang kanyang minamahal, at iniwanan pa siya ng mga alaalang alam niyang hindi na mauulit pa at di malilimutan. Sa linya naman na “At sa pagyaon mo’y para ring namatay” mararamdaman mo bilang isang mambabasa kung gaano niya kamahal ito dahil inihahayag niya na hindi niya kayang mabuhay kung mawala man siya. Sa huling mga taludtod mas nangingibabaw ang kanyang pagmamahal sa kanyang sarili at iniisip niyang isang paraan ito ng Panginoon. Ang huling linya ay “Hanggang kalangitan tayo’y magkapiling” may malalim na emosyon na naglalahad na yaring namatay man ang kanyang minamahal, di parin naman mamamatay ang kanyang pagmamahal.



Ilalagay ko ang sarili ko ngayon sa kalagayan ng manunulat. Nagmahal ako ng lubusan, nagpakasaya kami, maraming napagdaanan ngunit patuloy pa rin sa buhay. Ng isang iglap nawala na lamang ang lahat, biglang pumanaw ang aking iniibig, kasabay ng kanyang pagpanaw ang pagguho ng aking mundo. Paano na ako sa aking buhay ngayon, nasanay akong kasama ko siya palagi, nasanay akong dala-dala ko ang aking kaligayahan sa aking mga paglalakbay at mga pagsubok na hinaharap. Sa isang taong anibersaryo ng pagkamatay mo aking sinta bumalik ang lahat, mga alaalang di ko malimutan. Mga tawanan na ating pinagsaluhan, sana maibalik pa natin ang dati. Ako parin ay pumupunta sa mga lugar kung saan tayo noon nag liligawan, hinahanap hanap ka. Nung panahon na napakasaya natin, kung maibabalik ko lang ipagpapalit ko ang aking hininga. Iniisip ko rin na kinuha ka ng Dios ng mas maaga upang ang mga alaala ko sayo ay yaong bata pa, yung tipong hindi ka na tatanda sa aking isipan. Kahit pumanaw ka man ang ating pagmamahal ay hindi mamamatay, hindi matatapos. Sa isang taon na ako’y nangulila sa iyo, nasaisip ko ngayon hanggang sa kalangitan tayo’y magkasama.

Malaya -Kent Chan

 Pasensya na, kung papatulugin na muna
Ang pusong napagod kakahintay
Kaya sa natitirang segundong kayakap ka
Maaari bang magkunwaring akin ka pa
Mangangarap hanggang sa pagbalik Mangangarap pa rin kahit masakit
Baka sakaling makita kitang muli
Pagsikat ng araw, paglipas ng gabi Kung di pipilitin ang di pa para sa'kin Baka sakaling maibalik
Malaya ka na, Malaya Isusuko na ang sandata aatras na sa laban
Di dahil naduduwag kundi dahil mahal kita
Mahirap nang labanan mga espada ng orasan
Kung pipilitin pa, lalo lang masasaktan Mangangarap hanggang sa pagbalik
Mangangarap pa rin kahit masakit
Baka sakaling makita kitang muli
Pagsikat ng araw, paglipas ng gabi Kung di pipilitin ang di pa para sa'kin
Baka sakaling maibalik
Malaya ka na, Malaya
Ang kantang "Malaya" ni Moira Dela Torre ay isang kantang puno ng damdamin ng manunulat. Ito ang kantang nag paiyak ng maraming tao dahil sa mga salitang napaka lalim at mga salitang galing talaga sa damdamin. Hindi lamang pinapalawak ang ating imahinasyon kundi ito ay nagbibigay kirot sa damdamin ng mga tagapakinig. Sa bawat linya ng kanta ay may tinatagong storya na puno ng mga makabulohahang emosyon. Itong kantang ito ay maiaayon sa ismong romantisismo, dahil ito ay nag bibigay ng ideya sa mga taga pakinig sa kung ano ang nararamdaman ng manunulat o ng singer. Maraming linya sa kanta ang napapahiwatig ng damdamin pero itong linyang "Mangangarap hanggang sa pagbalik" ay napaka tagos sa puso dahil mararamdaman mo talaga ang emosyon ng manunulat ng kanta. Ang linyang iyan rin ang makakapagsabi ng kwento at sakit na maaring nadama ng manunulat ng kanta.

Maraming kantang may teoryang romantisismo, mga kantang nag papahayag ng kahalagahan ng iba't ibang bagay. Sa gayon, ang kantang ito ay nagpapahalaga ng pag-ibig at ito rin ay nagpapadama ng malalim na damdamin. Mababae o malalaki man tayo, kung ang damdamin at emosyon na ang pag-uusapan, tayo ay may maisasabi at mararamdaman.

Ilang Layo ang Pagitan – Dula

(pumasok ang bunsong anak sa pintuan)
(naka-upo sa sala ang panganay na anak at nagbabasa ng libro)
(nakita ng panganay ang bunso, at galit na sinalubong)
Pasigaw na galit na boses
Panganay na anak: Oh? Bakit ang taga mo na namang umuwi ha? Gabi-gabi ka nalang bang ganyan?
Bunsong anak: Ano baa ng paki-alam mo ha? Ate kalang hindi kita nanay at lalong-lalo na hindi kita tatay. Ang ingay-ingay mo!
Panganay na anak: at ikaw pa ang may ganang magalit? Di porket wala ditto sila mama at papa ay maaari mo na akong sagutin! Wala kang modo.
Ang bunsong anak ay nagikot ng mata
Bunsong anak: edi pau-wiin moa ng mga magulang natin!
(Umalis na padabog ang bunsong anak at pumasok sa kanyang silid)
Kalabog ng pintuan
Narrator: Narinig ng panganay ang malakas na pagsira ng pintuan ng kanyang kapatid.
Panganay na anak: hay, ano na ang gagawin ko? Sana ay umuwi na sila mama at papa galling abrod. Hindi ko na kaya.
(Sa silid ng bunsong anak)
Bunsong anak: (umiiyak) Hindi ko naman kaylangan ng pera nila, ang nais kulang ay umuwi na sila dahil ayaw kong kami lang dalawa ni ate. Bakit hindi nila iyon maintindihan?
Narrator: kinabukasan  ay pumasok na ang panganay at bunsong anak sa paaralan. At kinagabhan ay maagang umuwi ang panganay na anak at naabutan niyang may tumatawag sa kanilang telepono.
Tunog ng telepono
Sinagot ang tawag ng panganay na anak
Panganay na anak: Hello? Ma? Kumusta po?
Ina: anak? Kumusta na kayo riyan? Natanggap ninyo ba ang pinadala naming ng iyong ama?
Panganay na anak: ma, ok lang po kami dito sa bahay. At natanggap ko na po ang perang iyong pinadala. Maraming salamat po. Kayo po ba kumusta na kayo ni papa dyan?
Ina: ok lang naman kami dito anak. Medyo pagod sa araw-araw na trabaho. Oh siya nga pala? Kumusta na ang iyong kapatid? Miss na miss ko na kayo.
Panganay na anak: ok lang naman si Nissi Ma, pero napapadalas na po ang pag-uwi ni ng gabing-gabi na at sumasagot na po sa akin at palagig galit. Hindi ko na po maintindihan ang batang iyon,
(bumukas ang pinto at pumasok ang bunsong anak)
Panganay na anak: oh, nandyan ka na pala, kausap ko si mama.
Ina: Si nissi ba yan? Pa-usap naman ako, ang aking bunso.
Panganay na anak: gusto ka raw kausapin ni mama.
(inabot ang telepono)
Bunsong anak: ayaw kong kuma-usap ng mga taong naging dahilan kung bakit hindi maganda ang buhay ko.
(umalis ang bunsong anak at pagdabog na isinira ang pintuan ng kanyang silid.
Ina: ano ang nangyari anak? Bakit parang may nagdabog ng pintuan?
(malungkot na bosses)
Panganay na anak: Si Nissi poi yon Ma. Ayaw niya pong kuma-usap sa inyo. Galit po siya sa inyo ni papa, kaya ayon po padabog na pumunta sa kanyang silid.
Ina: pasensya na kayo aking mga anak, wala kami ng inyong papa sa piling ninyo. Gipit lang tayo kaya kinakailangan namin iyong gawin.
Panganay na anak: ano ka ba ma! Na-iintindihan naman po name iyon, na kailangan ninyong magtrabaho para sa aming mga kinabukasan. Wag po kayog mag-aalala kakausapin ko po si Nissi para sa inyu.
Ina: salamat anak ha? Sa pag-aalaga sa iyong nakbabatang kapatid at sa pagiging responsabling ate. Oh hala siya! Kailangan ko nang umalis dahil may trabaho pa ako. Mag-ingat kayo diyan, mahal naming kayo ng iyong ama.
Panganay na anak: sige ma, ingat rin po kayo, Mahal ko din po kayo.
(nagbaba ng telepono ang panganay na anak)
Narrator: Sa sumunod na araw, ay nagising na panganay na anak at naghanda pagpuntang  paaralan. Napansin niyang hindi pa lumabas ang kanyang bunsong kapatis kaya pinuntahan niya ito sa silid nito.
 (kumatok ang panganay na anak, ngunit walang sumagot)
(binuksan niya ang pinto at nakita ang kanyang kapatid na tulog at hindi pa naghahanda)
Galit na ginising niya ang kanyang kapatid
Panganay na anak: Nissi! Ano k aba? Alam mo bang umaga na? wala kabang plano sa buhay mo? Si papa at mama ay kayod ng kayod sa ibang bansa upang mabigyan tayo ng magandang buhay, pero anong ginagaa mo? Nagrerebelde kalang at napaka tamad.
(nagising ang bunsong anak dahil sa ingay ng boses ng kanyang kapatid)
(pagkatapos ay nagalit at pasigaw na sinagot ang kanyang ate)
Bunsong anak: walang pasok sa paaralan ngayon ate, alam mo ba yon? Walang pasok dahil Family Day! Syempre hindi ko yun alam dahil hindi ka naman nag tatanong at anong gusto mong gawin ko? Pumunta lang mag-isa don at pagtawanan dahil walang nanay at tatay? Ha? Sumagot ka!
(lumambot ang puso ng panganay na anak pagkakitang umi-iyak na ang kanyang kapatid)
Panganay na anak: Bakit hindi mo sinabi? Pwede naman tayong pumunta na tayong dalawa lang, pamilya pa naman rin tayo ah?
(umiiyak na rin ang panganay na anak)
Bunsong anak: hindi mo ako naiintindihan ate, miss na miss ko na sila mama at papa. Hindi ko kailangan ng kanilang pera ang akin ay nandito sila sa tabi natin at inaalagaan tayo katulad ng ibang pamilya na buo. Na-iintindihan ko naman na ginagawa nila iyon para sa atin ngunit aanhin ko ang pera kung wala naman akong nayayakap na nanay at nakikitang tata.
Panganay na anak: hindi lang ikaw ang umiiyak at nag-aasam na mayakap at Makita ang mga magulang natin Nissi, ako rin. Miss na miss ko na din sila ngunit intindihin mo  na nandito rin naman ako kaya kong maging nanay na yayakap sayo at tatay na nakikita mo. Tayo nalang dalawa ang kasangga dito sa mundo. Wala man sila mama at papa Nguni alam kong mahal na mahal nila tayo sapagkat hindi sila lalayo sa atin kung hindi lang din naman para sa atin. Na-iintindihan mo ba ako?
(malakas na napa-iyak ang bunsong anak)
(lumapit ang panganay na anak at niyakap ang bunsong anak)

Panganay na anak: Nandito lang ako Nissi. Mahal tayo ng  mga magulang natin ilang layo man pagitan natin sa isat-isa.

Waxing Gibbous - Arniela Ventura

Panahon na ng tag-ulan. Alas sais na ng gabi at ang buwan ay kalahati lang ang nakikita at napapaligiran nang mga ulap pero kapag tumingin ka nang mabuti, makikita mo sa langit ang mahinang pagningning ng mga bituin.

"Pwede bang manligaw?"

At sa gabing iyon nagbago ang lahat. Ang mga mata mo ay kumikinang kagaya sa mga bituin at ang kalabasan sa sitwasyong ito ay sing labo ng mga ulap. Sa lahat na dinaranas nating dalawa bilang matalik na kaibigan, mala birubiruan man o mga problema, pinagisipan ko.
Nalilito ako kung ano ang pipiliin. Maaari ko bang buksan ang pintong kinatatakotan ko?

Binukas ko ang bibig at bumuhos ang ulan sa gabing iyon.



Kagaya sa mga mata mo at ang puso ko.