Ngiting kay kislap
ng tala
Tawang nagpasigla
ng aking puso
Boses na tila
musika
Ikaw na nagpatibok
ng aking puso.
Heto ako magisa at
nagsusulat,
Iniisip ang iyong
mga ngiti
Mga ngiting hindi
ako ang dahilan
At di ko
mapigilang pumatak ang luha.
Nung nakilala
kita, di akalaing ako’y mahuhulog
Unang pagkikita
kala koy bangayan ang hantungan
Nakipagusap sayo
sa intensyong makipag kaibigan
Iyong mga galaw na
tila isang kantang; Nagpapaindak ng aking damdamin
Di maamin ang
nararamdaman dahil may mahal kang iba
Di alam kung bakit
natatakot, di ka naman mahal.
Naghahabol ka
lamang sa taong di ka naman napapansin
Wag nang maghanap
pa; ako’y nasa iyong harapan lamang.
Aaminin na
ba ang nararamdaman?
Pasensya hindi ko
kaya,
Pasensya at di ko
maamin na mahal kita;
Oo, mahal kita.
No comments:
Post a Comment