Pasensya
na, kung papatulugin na muna
Ang pusong napagod kakahintay
Kaya sa natitirang segundong kayakap ka
Maaari bang magkunwaring akin ka pa
Mangangarap hanggang sa pagbalik Mangangarap pa
rin kahit masakit
Baka sakaling makita kitang muli
Pagsikat ng araw, paglipas ng gabi Kung di
pipilitin ang di pa para sa'kin Baka sakaling maibalik
Malaya ka na, Malaya Isusuko na ang sandata
aatras na sa laban
Di dahil naduduwag kundi dahil mahal kita
Mahirap nang labanan mga espada ng orasan
Kung pipilitin pa, lalo lang masasaktan
Mangangarap hanggang sa pagbalik
Mangangarap pa rin kahit masakit
Baka sakaling makita kitang muli
Pagsikat ng araw, paglipas ng gabi Kung di
pipilitin ang di pa para sa'kin
Baka sakaling maibalik
Malaya ka na, Malaya
Ang kantang "Malaya" ni Moira Dela
Torre ay isang kantang puno ng damdamin ng manunulat. Ito ang kantang nag
paiyak ng maraming tao dahil sa mga salitang napaka lalim at mga salitang
galing talaga sa damdamin. Hindi lamang pinapalawak ang ating imahinasyon kundi
ito ay nagbibigay kirot sa damdamin ng mga tagapakinig. Sa bawat linya ng kanta
ay may tinatagong storya na puno ng mga makabulohahang emosyon. Itong kantang
ito ay maiaayon sa ismong romantisismo, dahil ito ay nag bibigay ng ideya sa
mga taga pakinig sa kung ano ang nararamdaman ng manunulat o ng singer.
Maraming linya sa kanta ang napapahiwatig ng damdamin pero itong linyang
"Mangangarap hanggang sa pagbalik" ay napaka tagos sa puso dahil
mararamdaman mo talaga ang emosyon ng manunulat ng kanta. Ang linyang iyan rin
ang makakapagsabi ng kwento at sakit na maaring nadama ng manunulat ng kanta.
Maraming kantang may teoryang romantisismo, mga
kantang nag papahayag ng kahalagahan ng iba't ibang bagay. Sa gayon, ang
kantang ito ay nagpapahalaga ng pag-ibig at ito rin ay nagpapadama ng malalim
na damdamin. Mababae o malalaki man tayo, kung ang damdamin at emosyon na ang
pag-uusapan, tayo ay may maisasabi at mararamdaman.
No comments:
Post a Comment