Ang animated na pelikulang ito ay tungkol sa
kwento ni Fa Mulan, isang Intsik na babae na naging isang sundalo upang iwasan
ang kanyang ama sasali sa digmaan. Ito ay batay sa alamat ng Tsina na Hua
Mulan. Lumabas ang isang utos ng Chinese emperor na kinakailangan ng isang
lalaki sa bawat pamilya na sasali sa Chinese Army. Nag-aala sa kalagayan ng
kanyang ama, hindi gusto ni Mulan ang kanyang matandang ama na isang army
veteran na sasali sa digmaan kaya kinuha niya ang posisyon bilang kinatawan sa
kanilang pamilya at pagkukunwari ng isang lalaki sa ilalim ng pangalang, Ping.
Sa
pelikulang ito, makikita ang isang pananaw at teoryang pampanitikang peminismo
kung saan nakatuon sa mga kababaihan at may punto de vista o pananaw ng isang
peminista. Makikita din sa pelikula ang mga pananaw na sexism kung saan
makikita ang diskriminasyon sa isang kasarian lalo na sa kababaihan. Dahil isa
siyang animated musical action comedy-drama film, may pagkakahalo ng iba’t
ibang uri na lingwahe at elemento ang ginamit sa pelikula. Nagpapakita rin ng
iba’t ibang klase na pag-ibig na mararamdaman ng mga tagapanood sa pelikula at
yun ay sa sarili, pamilya, kaibigan, kasintahan at sa bayan. Mula sa simula
hanggang sa huli, may makukuha ka na mensahe tungkol sa pag-ibig at sa buhay na
maaaring magagamit sa totoong buhay.
No comments:
Post a Comment