O, aking mahal
Akala ko’y tayo’y tatagal.
Ngunit lahat ng bagay
ay parang namatay,
Nawalan ng buhay
simula noong mag-away.
Akala ko'y ito na
Ngunit hindi pa pala,
Paano na tayo?
Ayaw kong malayo sayo.
Paano na?
Mga pangako natin
Na akala ko’y kakayanin
Magdilim man mga bituin.
Akala ko na ikaw,
ang aking araw
Pero lahat ay nauwi sa wala,
at ako umiiyak na parang batang nadapa.
No comments:
Post a Comment