Sa isang maliit na
baryo ng San Isidro nakatira si Anna. Si Anna ang nagiisang anak nina Pedro at
Maria, siya ay may makikislap na mata, matangos na ilong, mapupulang labi sa
madaling salita maganda. Maraming kalalakihan sa San Isidro ang nabihag ni Anna
ngunit dahil nag-iisang anak nga ito hindi pinapayagan ni Mang Pedro makapag
relasyon sa isang “taga baryo” lamang gusto nilang mag asawa na makapagasawa
ito ng taga bayan o mayaman.
Si Anna ay
dalawamput isang taong gulang na at mag-aaral na sa kolehiyo, ito ang unang
pagkakataon ni Anna na mapalayo sa kanyang ama at ina dahil sa bayan siya
mag-aaral. Nung nakarating siya bayan at nag enrol na, ibinigay sa kanya ang
kanyang skedyul at ang susi ng kanyang dormitoryo. Nang nakarating na si Anna
sa kanyang dormitoryo may babae na naghihintay roon, iyon pala ang kanyang
roommate. Nagaayos na si Anna ng kanyang mga gamit nang ayain siya ng kanyang
roommate na maglakad lakad sa unibersidad. Habang naglalakad mas nakilala nila
ang isa’t isa, nalaman ni Anna na si Mary ay nagiisa ring anak at ngayon palang
nakapag aral sa bayan.
Kinabukasan,
nagsimula na ang oryentasyon ng mga estudyante nakakilala pa si Anna ng mga
kaibigan na kapareho niya ng kurso. Si Anna ay nagaaral ng AB Psychology,
pangarap niya kasing maging propesyunal na psychologist dahil mayroon siyang
matalik na kaibigan sa baryo na may depresyon at nagnanais siyang tulungan ang
kanyang kaibigan. Sa oryentasyong iyon may nakilala siyang lalaki na
nagngangalang Andrew at siya’y nabighani rito. Napaisip siya kung dito na ba sa
bayan siya makakakita ng lalaking mamahalin niya. Napakasaya ni Anna nung
malaman na kaklase niya ito sa halos lahat ng kanyang asignatura.
Sa unang araw ng eskwela
nagmadali si Anna na makarating sa kanyang unang klase dahil ayaw niyang
ma-late rito. Sa sobrang pagmamadali at buhat na tin ng kanyang kagayakan na
makapag-aral siya pa ang nagiisang estudyante sa silid na iyon. Pero hindi
naman siya nagsisi na napakaaga niya dahil sasamantalahin niya ang kanyang oras
upang makapagisip kung ano ang kanyang sasabihin mamaya kung magpapakilala na
siya sa kanyang sarili. Unti-unti nang dumarami ang mga estudyante sa silid na
iyon at kinakabahan siya dahil baka mautal siya sa harapan habang nagpapakilala
sa sarili. Mas ka kinabahan siya nung nakita niya ang lalaking nagugustuhan
niya at ito’y tumabi pa sa kanya. Dumating na ang kanilang propesor at
nagpakilala na sila isa-isa sa harap. Nagsimula nang magturo ang kanilang
propesor at naririnig ni Anna ang mga inis na bulong bulungan ng kanyang mga
kaklase, ngunit siya ay galak na galak na matuto. Nung malapit na matapos ang
kanilang klase nagbigay pa ang kanilang propesor ng isang “research assignment”
at nagsimula na naman ang mga bulong bulungan na nagpapahayag ng inis. Sa
kabutihang palad na ipares si Anna sa kanyang katabi na si Andrew kaya
magkakaroon sila ng oras na magkasama para maisagawa anv kanilang “assignment”.
Pumunta sila sa
isang café sa labas ng kanilang paaralan at doon ginawa ang kanilang
“assignment”. Habang ginagawa nila ito nakapagusap silang dalawa at mas
nakilala na nila ang isa’t isa di akalain ni Anna na nagustuhan rin siya ni
Andrew simula pa nung oryentasyon. Simula noon palagi na silang magkasama,
tulad ng sa “lunch” tas hinahatid rin siya ni Andrew sa kanyang dormitoryo
tuwing uwian. Mas nahuhulog na ang loob ni Anna kay Andrew. Nang makalipas ang
ilang buwan nakapagdesisyon na si Andrew na tanungin si Anna na maging kanyang
nobya, nagdadalawang sabi ni Anna “Ahh ehh Andrew hindi pa kasi pinapayagan ng
aking mga magulang na magkaroon ng nobyo, natatakot akong napagalitan”
nalungkot si Andrew sa narinig niya, ngunit inintindi rin ni Andrew ang
sitwasyon ni Anna.
Kahit hindi
opisyal sina Andrew at Anna, para parin silang mag nobyo sa kanilang mga
kinikilos. Hindi lang masabi sabi ni Anna na nay nagugustuhan siyang binata sa
bayan na kanyang kaklase. Napaisip rin si Anna na sabihan ito sa kanyang ama
dahil sa tingin niya hindi naman tututol ang kanyang mga magulang dahil isang
gwapo, matipuno, maginoo at mabait naman si Andrew. Nung nag sembreak na umuwi
si Anna sa kanilang bahay at kinakabahan siya dahil aaminin na niya sa kanyang
mga magulang na mayroon siyang nagugustuhan na binata sa bayan at nanliligaw na
ito. Pagkarating ni Anna sa kanilang bahay nakita niya ang kaniyang ina at ama
na masayang masaya dahil nakauwi siyang muli roon. “O anak kamusta ang iyong
pag-aaral?” Pangungumusta ng ama ni Anna sa kanya, sagot naman ni Anna “Okay
lang tay, matataas naman ang marka ko sa unang semestre” sabay ngiti pa nito.
“Oh siya anak, alam kung pagod ka sa iyong biyahe, mga walong oras karing
nakaupo sa bus at matagal tagal din ang biyahe galing sa terminal hanggang
dito, anong gusto mong gawin? Magpahinga muna o kumain, naghanda ako ng
paborito mo” sabi ng kanyang ina, “kakain muna ako ma, may gusto kasi akong
sabihin sa inyo ni papa” kalmadong sabi ni Anna, “wag mong sabihin buntis ka”
biro ng kanyang ama na tumatawa “alam ko naman na hindi ka ganyang klase babae
anak, nagbibiro lang ako halika kumain na tayo” dugtong pa ng kanyang ama.
Habang kumakain sila, nagkwentuhan pa sila tungkol sa buhay kolehiyo, at
nakakita na ng magandang tyempo si Anna “ma, pa nais ko ho sana sabihan sa inyo
na may nagugustuhan po akong binata sa unibersidad, at siya’y nanliligaw na po
sa akin, kaklase ko po siya sa halos lahat ng asignatura, pangako mama at papa
mabait po siyang binata” tuloy tuloy na sabi ni Anna, “ano anak, may nobyo ka
na?” tanong ng kanyang ina “hindi nay, nanliligaw pa po” sagot naman niya.
“Dalaga na talaga itong anak natin Mercy nagkakanobyo na, hanggang masaya ka
anak nandito lang kami ng iyong ina handang sumoporta sa iyo” ngiting sabi ng
kanyang ama, hindi akalain ni Anna na iyon ang isasagot ng kanyang ama akala
niya papagalitan siya dahil sa kanyang balita. “Napakasaya ko po mama at papa
na hindi niyo ako pinagalitan” sabi ni Anna, “bakita ka naman namin papagalitan
anak, basta matataas lang iyong marka okay lang iyon, wag na wag mo lang
pabayaan ang iyong pag aaral at okay lang ng ikaw magkanobyo” sagot ng kanyang
ama, “oo nga anak, dalhin mo at ipakilala ang binatang iyan rito sa susunod na
uwi mo” dagdag pa ng kanyang ina “opo mama, ipapakilala ko po si Andrew sa inyo
sa susunod na uwi ko, baka sa summer na iyon ma” sagot ni Anna. Pagkatapos ng
usapang iyo tinapos na nila ang kanilang mga pagkain at nagayos si Anna ng
kanyang mga gamit, naghahanda na rin siya g matulog dahil napagod rin siya sa
kanyang biyahe, napakagaan at saya ng nararamdaman ni Anna dahil tanggap ng
kanyang mga magulang na mayroon na siyang nagugustuhan na binata.
Tinawagan niya si
Andrew;
“Hi Andrew, may
magandang balita ako sayo”
“Magandang hapon
Anna, kamusta ka? Nakarating ka na ba sa inyong bahay?”
“Oo nakarating na
ako, at nasabi ko na rin sa kanila mama at papa ang tungkol sa ating dalawa”
“Ano naman ang
kanilang reaksyon roon?”
“Tanggap nila at
masaya rin sila, dahil kahit may nagugustuhan na akong binata hindi ko parin
napapabayaan ang aking pag-aaral”
“Magandang balita
nga iyan, sana makabisita ako diyan at makikilala ko ang iyong mga magulang”
“Oo, sabi ni mama
dalhin saw kita dito sa amin ng makilala ka nila”
“Magandang ideya
iyan, sana sa summer maganap iyan”
“Yan ang naging
paalam ko kay mama sa summer kita dadalhin rito”
“Sige maghahanda
na akong sa talumpati na iaalay ko sa iyong mga magulang” biro ni Andrew
Habang tumatawa si
Anna sabi niya “nababaliw ka na ba hindi na kailangan iyon” pangiting sabi niya
“Alam ko gusto ko
lang makapagbigay ng magandang unang impresyon”
“O sya
magpapahinga na muna ako napagod ako sa biyahe tatawagan lang kita pag
nagkabakante ako. Mag ingat ka diyan Andrew”
“Sige magpahinga
ka na, hihintayin ko ang tawag mo, mag ingat ka rin Anna”
Natapos ang
paguusap nila sa telepeno at masayang nagpahinga si Anna dahil sa wakas wala na
siyang itinatago na lihim sa kanyang mga magulang.
No comments:
Post a Comment