Sunday, October 8, 2017

Alay Sayo - Alaiza Micabalo

Sa kabila ng sakit na dinadala
Madalas kung ikaw ay mag-isa
Sa isang sulok ay nakatulala
Iniisip ang buhay na mapakla

Damdaming napakabigat
Dulot ng pangyayaring maalat
Pag-iyak ay hindi sapat
Luha sa mga unan ay nagkalat

Isaisip na hindi ka nag-iisa
Sarili’y palayain sa iyong hawla
Imulat iyong mg mata
Umaga ay bagong pag-asa

I-alay sa sarili ay pag-ibig
Sakit ay isigaw sa daigdig
Wag bumitaw sa lubid
Aking mga Kapatid

1 comment:

  1. wow... dulot nito'y isang inspirasyon sa mga nilalang na nalulunod sa agos ng pighati at kasawian. Tama ka, "sarili'y palayain sa iyong hawla".

    ReplyDelete