Sunday, October 8, 2017

Mulan - Arniela Ventura

Ang animated na pelikulang ito ay tungkol sa kwento ni Fa Mulan, isang Intsik na babae na naging isang sundalo upang iwasan ang kanyang ama sasali sa digmaan. Ito ay batay sa alamat ng Tsina na Hua Mulan. Lumabas ang isang utos ng Chinese emperor na kinakailangan ng isang lalaki sa bawat pamilya na sasali sa Chinese Army. Nag-aala sa kalagayan ng kanyang ama, hindi gusto ni Mulan ang kanyang matandang ama na isang army veteran na sasali sa digmaan kaya kinuha niya ang posisyon bilang kinatawan sa kanilang pamilya at pagkukunwari ng isang lalaki sa ilalim ng pangalang, Ping.


 Sa pelikulang ito, makikita ang isang pananaw at teoryang pampanitikang peminismo kung saan nakatuon sa mga kababaihan at may punto de vista o pananaw ng isang peminista. Makikita din sa pelikula ang mga pananaw na sexism kung saan makikita ang diskriminasyon sa isang kasarian lalo na sa kababaihan. Dahil isa siyang animated musical action comedy-drama film, may pagkakahalo ng iba’t ibang uri na lingwahe at elemento ang ginamit sa pelikula. Nagpapakita rin ng iba’t ibang klase na pag-ibig na mararamdaman ng mga tagapanood sa pelikula at yun ay sa sarili, pamilya, kaibigan, kasintahan at sa bayan. Mula sa simula hanggang sa huli, may makukuha ka na mensahe tungkol sa pag-ibig at sa buhay na maaaring magagamit sa totoong buhay.

Titanic - Alaiza Micabalo

Ang pelikulang titanic ni James Cameron ay nagpapakita ng Marxismo na Teorya ng Panitikan. Sinasabi sa teorya na may dalawang dibisyon ang lipunan, ang bourgeoisie at ang proletariat, kung saan sa pelikula ay matatawag na “upper class” at “Lower class. Ipinakita sa Titanic na may isang komplikadong kaayusan tungkol sa relasyon sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap sa loob ng barko. Matutunghayan sa pelikula na iba ang pagtrato sa mga mahihirap at mayayaman sa loob ng barko kung kaya’t masasabi nating hindi pantay ang trato. Isa sa mga pangyayari sa pelikula kung saan makikta ang teortang marxismo ay ang pagbabawal ng mga “third class” sa pagpunta sa Upper Deck, ngunit pagdating sa mga “First Class” ay maaring pumunta doon kahit kalian.

Sa pelikula rin makikita natin ang pakikipagsapalaran ng mga bida upang magtatagal ang kanilang pag-iibigan. Si Jack na isa sa mga mahihirap o lower class na binatilyo na kailangan pang sumugal sa kanyang buhay sa pagkuha lamang ng ticket sa barko ay magkakamabutihan kay Rose na isang mayaman dalaga at maaring gawin ang nais niyang gawin sa loob ng barko. Isang scene sa palikula ay nasa top deck ang lahat ng bisita sa barko at makikita base sa kanilang mga suot ang pagkakaiba ng dalawang class ng lipunan. Sa paglubog din ngg barko, makikita parin ang kapangyarihan ng mga upper Class man dahil sa paglubog ng barko mas inu-unang silang sanasagip kesa sa mga Lower Class. Kaya ang pelikulang ito ay nagpapakita nga maraming eksena na hindi pantay ang Sistema ng lipunan sa pagitan ng mga lower class at upper class.

Moana - Danica Malazarte

Ang pelikula Moana na idinerek nina Robert Clements, at John Musker. At isinulat nina Rober Clements, John Musker, Don Hall, Chris Williams, Pamela Ribon, Aaron and Jordan Kandell. Ito ay tungkol kung paano ang isang kahalili ay maaaring maging isang epektibong lider, at kung paano maabot ng isang tao ang kanilang buong potensyal. At isa itong adventure sa anak ng Polynesian chief na nag set off ng isang quest upang maligtas niya ang kanyang mga tao.

Ang pelikula ay dapat mag-apela sa mga tumitingin sa lahat ng edad. Ang mga nakakatakot, mapanganib na mga eksena ay kinabibilangan ng mga run-in na may nakakatakot, marahas na monsters (isa na ginawa ng lava, ang iba pang isang higanteng alimango) at may mga bagyo at alon ng karagatan. Ang mga character ay umakyat din laban sa isang barko na puno ng kaibig-ibig (ngunit armadong) mga pirata ng niyog, isang character na namatay (offscreen), at isang pares ng mga lalaki awtoridad sumigaw sa Moana. Mayroon ding kaunting wika kasama ang mga linya ng "puwit" at "pipi." Kung hindi man, ang pelikula ay dapat na mainam para sa mas batang mga manonood, na nag-aalok ng mga positibong mensahe ng self-discovery at empowerment. At ang Moana mismo ay isang mahusay na modelo sa lahat ng bata at iba pa, nagpapakita din siya ng tiyaga, pagkamausisa, at tapang.



Ang kagilas-gilas na pakikipagsapalaran dahil sa pagbibigay kapangyarihan sa storyline nito,na nagpapasalamat sa kultura ng Polynesia, at dahil sa pakiramdam nito-magandang musika, sa kagandahang-loob ng tagalikha ni Hamilton na si Lin-Manuel Miranda. Ang kaibigang Hawaiian na mang-aawit na Cravalho at Johnson (aka "The Rock") ay nagbabahagi ng isang student-mentor tulad ng kimika bilang hinimok na Moana at mythic Maui. Hindi tulad ng anumang iba pang "Disney princess" na pelikula, ang Moana ay ganap na romance free, hindi kailanman isang beses nagdadala ng kanyang mga prospect kasal sa pangunahing character. Ang kalagayan ni Moana bilang susunod na pinuno ng isla ay walang pag-aalinlangan, at napakasaya siya na sinusubukang diplomatikong lutasin ang mga problema ng kanyang mga tao na ang kakulangan ng isang interes sa pag-ibig ay wala.

Babang Luksa - Edj Mahilum

Ang tulang ito ay tungkol sa paglisan ng kanyang minamahal, mga alaalang kaysaya na hindi na mauulit pa. Ito ay salin ni Olivia Dantes ng “Pabanua” ni Diosdado Macapagal. Nakalahad rito ang lahat ng poot na nararamdaman niya sa paglisan ng kanyang mahal, iniisip niya ang mga posibilidad na mangyari kung hindi namatay ang kanyang mahal. Nagnanais na maibalik ang oras upang makasama pa ang kanyang minamahal ng mas matagal. Palitan ang mga imahe na hindi masaya, at sana madagdagan pa ang kanilang mga alaala. Ngunit alam naman niyang imposible ang mga bagay na iyon, pero hindi parin siya nawawalan ng pagmamahal, naniniwala siyang “hanggang langit ang kanilang pagmamahal”.

Gumamit ang manunulat ng tulang ito ng pormal na lingwahe, kailangan ang matinding pagbabasa at pagaanalisa upang maintindihan ang tulang ito. Mga malalim na mga salita na may mas mabigat na emosyon. May sinunod din na straktura ang manunulat, may labing dalawang sukat ang tulang ito, bawat linya ay may labing dalawang pantig. Nakapaloob sa tulang ito ang isang napakamalungkot na istorya, sa kabuuan ng tula siya nagdadalamhati sa pagsapit ng isang taong anibersaryo ng pagkamatay ng kanyang minamahal. Mula sa simula malungkot ang mga mensahe ng tula, ngunit bawat taludtod ay naiibsan ang dalamhati na kanyang dindala, nababawasan ito unti-unti dahil maraming siya napagtanto na mga bagay bagay. Marami ring mga nagmamahal na nawawalan ng minamahal. Sila ang mga mambabasa na target ng manunulat. Dahil maiiugnay nila ang kanilang mga sarili sa tulang ito. Hindi naman ibig sabihin na hindi ka sawi di mo na maiuugnay ang iyong sarili, bilang mambabasa pwede mo namang ilagay ang iyong sarili sa kuwentong iyon, mararamdaman mo ang pighati ng manunulat.

 Ito ay isang halimbawa ng romantisismo dahil nangingibabaw ang nararamdaman ng manunulat, sa bawat linya na kanyang binibitawan nararamdaman ng mambabasa ang pighati niya. Mga damdaming nangingibabaw sa tula, ang pagmamahal niya sa kanyang yumaong kasintahan, at ang pighati niya rito. Sa tula inaalala niya ang maraming bagay noong nabubuhay pa ang kanyan sinta, inalalahad niya gaano sila kasaya at simple. “Subalit sa akin ang tanging naiwan, Mga alaalang di-malilimutan” sa linyang ito nangingibabaw ang pighati ng manunulat sa dahil lumisan ang kanyang minamahal, at iniwanan pa siya ng mga alaalang alam niyang hindi na mauulit pa at di malilimutan. Sa linya naman na “At sa pagyaon mo’y para ring namatay” mararamdaman mo bilang isang mambabasa kung gaano niya kamahal ito dahil inihahayag niya na hindi niya kayang mabuhay kung mawala man siya. Sa huling mga taludtod mas nangingibabaw ang kanyang pagmamahal sa kanyang sarili at iniisip niyang isang paraan ito ng Panginoon. Ang huling linya ay “Hanggang kalangitan tayo’y magkapiling” may malalim na emosyon na naglalahad na yaring namatay man ang kanyang minamahal, di parin naman mamamatay ang kanyang pagmamahal.



Ilalagay ko ang sarili ko ngayon sa kalagayan ng manunulat. Nagmahal ako ng lubusan, nagpakasaya kami, maraming napagdaanan ngunit patuloy pa rin sa buhay. Ng isang iglap nawala na lamang ang lahat, biglang pumanaw ang aking iniibig, kasabay ng kanyang pagpanaw ang pagguho ng aking mundo. Paano na ako sa aking buhay ngayon, nasanay akong kasama ko siya palagi, nasanay akong dala-dala ko ang aking kaligayahan sa aking mga paglalakbay at mga pagsubok na hinaharap. Sa isang taong anibersaryo ng pagkamatay mo aking sinta bumalik ang lahat, mga alaalang di ko malimutan. Mga tawanan na ating pinagsaluhan, sana maibalik pa natin ang dati. Ako parin ay pumupunta sa mga lugar kung saan tayo noon nag liligawan, hinahanap hanap ka. Nung panahon na napakasaya natin, kung maibabalik ko lang ipagpapalit ko ang aking hininga. Iniisip ko rin na kinuha ka ng Dios ng mas maaga upang ang mga alaala ko sayo ay yaong bata pa, yung tipong hindi ka na tatanda sa aking isipan. Kahit pumanaw ka man ang ating pagmamahal ay hindi mamamatay, hindi matatapos. Sa isang taon na ako’y nangulila sa iyo, nasaisip ko ngayon hanggang sa kalangitan tayo’y magkasama.

Malaya -Kent Chan

 Pasensya na, kung papatulugin na muna
Ang pusong napagod kakahintay
Kaya sa natitirang segundong kayakap ka
Maaari bang magkunwaring akin ka pa
Mangangarap hanggang sa pagbalik Mangangarap pa rin kahit masakit
Baka sakaling makita kitang muli
Pagsikat ng araw, paglipas ng gabi Kung di pipilitin ang di pa para sa'kin Baka sakaling maibalik
Malaya ka na, Malaya Isusuko na ang sandata aatras na sa laban
Di dahil naduduwag kundi dahil mahal kita
Mahirap nang labanan mga espada ng orasan
Kung pipilitin pa, lalo lang masasaktan Mangangarap hanggang sa pagbalik
Mangangarap pa rin kahit masakit
Baka sakaling makita kitang muli
Pagsikat ng araw, paglipas ng gabi Kung di pipilitin ang di pa para sa'kin
Baka sakaling maibalik
Malaya ka na, Malaya
Ang kantang "Malaya" ni Moira Dela Torre ay isang kantang puno ng damdamin ng manunulat. Ito ang kantang nag paiyak ng maraming tao dahil sa mga salitang napaka lalim at mga salitang galing talaga sa damdamin. Hindi lamang pinapalawak ang ating imahinasyon kundi ito ay nagbibigay kirot sa damdamin ng mga tagapakinig. Sa bawat linya ng kanta ay may tinatagong storya na puno ng mga makabulohahang emosyon. Itong kantang ito ay maiaayon sa ismong romantisismo, dahil ito ay nag bibigay ng ideya sa mga taga pakinig sa kung ano ang nararamdaman ng manunulat o ng singer. Maraming linya sa kanta ang napapahiwatig ng damdamin pero itong linyang "Mangangarap hanggang sa pagbalik" ay napaka tagos sa puso dahil mararamdaman mo talaga ang emosyon ng manunulat ng kanta. Ang linyang iyan rin ang makakapagsabi ng kwento at sakit na maaring nadama ng manunulat ng kanta.

Maraming kantang may teoryang romantisismo, mga kantang nag papahayag ng kahalagahan ng iba't ibang bagay. Sa gayon, ang kantang ito ay nagpapahalaga ng pag-ibig at ito rin ay nagpapadama ng malalim na damdamin. Mababae o malalaki man tayo, kung ang damdamin at emosyon na ang pag-uusapan, tayo ay may maisasabi at mararamdaman.

Ilang Layo ang Pagitan – Dula

(pumasok ang bunsong anak sa pintuan)
(naka-upo sa sala ang panganay na anak at nagbabasa ng libro)
(nakita ng panganay ang bunso, at galit na sinalubong)
Pasigaw na galit na boses
Panganay na anak: Oh? Bakit ang taga mo na namang umuwi ha? Gabi-gabi ka nalang bang ganyan?
Bunsong anak: Ano baa ng paki-alam mo ha? Ate kalang hindi kita nanay at lalong-lalo na hindi kita tatay. Ang ingay-ingay mo!
Panganay na anak: at ikaw pa ang may ganang magalit? Di porket wala ditto sila mama at papa ay maaari mo na akong sagutin! Wala kang modo.
Ang bunsong anak ay nagikot ng mata
Bunsong anak: edi pau-wiin moa ng mga magulang natin!
(Umalis na padabog ang bunsong anak at pumasok sa kanyang silid)
Kalabog ng pintuan
Narrator: Narinig ng panganay ang malakas na pagsira ng pintuan ng kanyang kapatid.
Panganay na anak: hay, ano na ang gagawin ko? Sana ay umuwi na sila mama at papa galling abrod. Hindi ko na kaya.
(Sa silid ng bunsong anak)
Bunsong anak: (umiiyak) Hindi ko naman kaylangan ng pera nila, ang nais kulang ay umuwi na sila dahil ayaw kong kami lang dalawa ni ate. Bakit hindi nila iyon maintindihan?
Narrator: kinabukasan  ay pumasok na ang panganay at bunsong anak sa paaralan. At kinagabhan ay maagang umuwi ang panganay na anak at naabutan niyang may tumatawag sa kanilang telepono.
Tunog ng telepono
Sinagot ang tawag ng panganay na anak
Panganay na anak: Hello? Ma? Kumusta po?
Ina: anak? Kumusta na kayo riyan? Natanggap ninyo ba ang pinadala naming ng iyong ama?
Panganay na anak: ma, ok lang po kami dito sa bahay. At natanggap ko na po ang perang iyong pinadala. Maraming salamat po. Kayo po ba kumusta na kayo ni papa dyan?
Ina: ok lang naman kami dito anak. Medyo pagod sa araw-araw na trabaho. Oh siya nga pala? Kumusta na ang iyong kapatid? Miss na miss ko na kayo.
Panganay na anak: ok lang naman si Nissi Ma, pero napapadalas na po ang pag-uwi ni ng gabing-gabi na at sumasagot na po sa akin at palagig galit. Hindi ko na po maintindihan ang batang iyon,
(bumukas ang pinto at pumasok ang bunsong anak)
Panganay na anak: oh, nandyan ka na pala, kausap ko si mama.
Ina: Si nissi ba yan? Pa-usap naman ako, ang aking bunso.
Panganay na anak: gusto ka raw kausapin ni mama.
(inabot ang telepono)
Bunsong anak: ayaw kong kuma-usap ng mga taong naging dahilan kung bakit hindi maganda ang buhay ko.
(umalis ang bunsong anak at pagdabog na isinira ang pintuan ng kanyang silid.
Ina: ano ang nangyari anak? Bakit parang may nagdabog ng pintuan?
(malungkot na bosses)
Panganay na anak: Si Nissi poi yon Ma. Ayaw niya pong kuma-usap sa inyo. Galit po siya sa inyo ni papa, kaya ayon po padabog na pumunta sa kanyang silid.
Ina: pasensya na kayo aking mga anak, wala kami ng inyong papa sa piling ninyo. Gipit lang tayo kaya kinakailangan namin iyong gawin.
Panganay na anak: ano ka ba ma! Na-iintindihan naman po name iyon, na kailangan ninyong magtrabaho para sa aming mga kinabukasan. Wag po kayog mag-aalala kakausapin ko po si Nissi para sa inyu.
Ina: salamat anak ha? Sa pag-aalaga sa iyong nakbabatang kapatid at sa pagiging responsabling ate. Oh hala siya! Kailangan ko nang umalis dahil may trabaho pa ako. Mag-ingat kayo diyan, mahal naming kayo ng iyong ama.
Panganay na anak: sige ma, ingat rin po kayo, Mahal ko din po kayo.
(nagbaba ng telepono ang panganay na anak)
Narrator: Sa sumunod na araw, ay nagising na panganay na anak at naghanda pagpuntang  paaralan. Napansin niyang hindi pa lumabas ang kanyang bunsong kapatis kaya pinuntahan niya ito sa silid nito.
 (kumatok ang panganay na anak, ngunit walang sumagot)
(binuksan niya ang pinto at nakita ang kanyang kapatid na tulog at hindi pa naghahanda)
Galit na ginising niya ang kanyang kapatid
Panganay na anak: Nissi! Ano k aba? Alam mo bang umaga na? wala kabang plano sa buhay mo? Si papa at mama ay kayod ng kayod sa ibang bansa upang mabigyan tayo ng magandang buhay, pero anong ginagaa mo? Nagrerebelde kalang at napaka tamad.
(nagising ang bunsong anak dahil sa ingay ng boses ng kanyang kapatid)
(pagkatapos ay nagalit at pasigaw na sinagot ang kanyang ate)
Bunsong anak: walang pasok sa paaralan ngayon ate, alam mo ba yon? Walang pasok dahil Family Day! Syempre hindi ko yun alam dahil hindi ka naman nag tatanong at anong gusto mong gawin ko? Pumunta lang mag-isa don at pagtawanan dahil walang nanay at tatay? Ha? Sumagot ka!
(lumambot ang puso ng panganay na anak pagkakitang umi-iyak na ang kanyang kapatid)
Panganay na anak: Bakit hindi mo sinabi? Pwede naman tayong pumunta na tayong dalawa lang, pamilya pa naman rin tayo ah?
(umiiyak na rin ang panganay na anak)
Bunsong anak: hindi mo ako naiintindihan ate, miss na miss ko na sila mama at papa. Hindi ko kailangan ng kanilang pera ang akin ay nandito sila sa tabi natin at inaalagaan tayo katulad ng ibang pamilya na buo. Na-iintindihan ko naman na ginagawa nila iyon para sa atin ngunit aanhin ko ang pera kung wala naman akong nayayakap na nanay at nakikitang tata.
Panganay na anak: hindi lang ikaw ang umiiyak at nag-aasam na mayakap at Makita ang mga magulang natin Nissi, ako rin. Miss na miss ko na din sila ngunit intindihin mo  na nandito rin naman ako kaya kong maging nanay na yayakap sayo at tatay na nakikita mo. Tayo nalang dalawa ang kasangga dito sa mundo. Wala man sila mama at papa Nguni alam kong mahal na mahal nila tayo sapagkat hindi sila lalayo sa atin kung hindi lang din naman para sa atin. Na-iintindihan mo ba ako?
(malakas na napa-iyak ang bunsong anak)
(lumapit ang panganay na anak at niyakap ang bunsong anak)

Panganay na anak: Nandito lang ako Nissi. Mahal tayo ng  mga magulang natin ilang layo man pagitan natin sa isat-isa.

Waxing Gibbous - Arniela Ventura

Panahon na ng tag-ulan. Alas sais na ng gabi at ang buwan ay kalahati lang ang nakikita at napapaligiran nang mga ulap pero kapag tumingin ka nang mabuti, makikita mo sa langit ang mahinang pagningning ng mga bituin.

"Pwede bang manligaw?"

At sa gabing iyon nagbago ang lahat. Ang mga mata mo ay kumikinang kagaya sa mga bituin at ang kalabasan sa sitwasyong ito ay sing labo ng mga ulap. Sa lahat na dinaranas nating dalawa bilang matalik na kaibigan, mala birubiruan man o mga problema, pinagisipan ko.
Nalilito ako kung ano ang pipiliin. Maaari ko bang buksan ang pintong kinatatakotan ko?

Binukas ko ang bibig at bumuhos ang ulan sa gabing iyon.



Kagaya sa mga mata mo at ang puso ko.

Tunay - Alaiza Micabalo

Panganay sa tatlong makakapatid, ang labing pitong taong gulang na si Consya. Siya ay nagmula sa isang masaya at buong pamilya na nakatira sa isang bayan sa Patag, Manticao. Ang pamilya Reyes ay isa sa mga pamilyang tinitingala sapagkat na sa kanila na ang lahat. Hindi nga sila gaano kayaman ngunit sagana ang pamilya sa pag aaruga at pagmamahal galing sa kanilang mga magulang. Kung baga, walang mahihingi pa ang mga anak at kontento na sila sa buhay. Si Consya ay nag-aaral sa kolehiyo at ang kangyang dalawang kapatid ay nasa high school pa. Pursigido sa pag-aaral si Consya sa medisina dahil balang araw gusto niya maging doktor katulad ng kanyang ama. Ang kanyang ama ay nag tatrabaho sa isang sikat na hospital sa kanilang baryo habang ang kanyang ina ay nasa bahay lamang at nag-babantay sa kanilang sari-sari store.

Umaga ng magising si Consya, ay naghanda na siya upang pumasok sa paaralan. Pagkatapos ay bumaba na siya galing sa kanyang kwarto. Batid niyang tulog ang kanyang ina kayat siya na ang naghanda ng kanilang agahan. Pagkaraan ng ilang minuto ay bumaba ang kanyang dalawang kapatid at sabay silang nag-agahan.
"Magandang umaga kyla" bati ni Consya sa kanyang bunsong kapatid. "Magandang umaga ate, na saan po nga pala si nanay?" Tanong ni Kyla. "Hindi pa siya bumababa eh, baka napuyat sa bagbabantay ng tindahan kahapon. Hala sya, bilisan ninyu riyan at mahuhuli na tayo sa klase. "Okay po" sagot ng kanyang dalawang nakababatang kapatid.

Pagkatapos maglinis ng pinagkainan ay sabay sabay na lumabas si Consya at kanyang kapatid upang pumasok. Nadatnan nila ang pagdating ng kanilang ama. Nagmano sila at binati ang kanilang ama.  "Magandabg araw po itay, bakit ngayon lang po kayo dumating? Busy na naman po ba sa hospital?" Tanong ni Consya. "Oo anak eh. Pumunta na kayo nga paaralan at baka malate na kayo" sagot ng kanilang ama. "Cge po paalam". Napansin ni Consya na palaging nahuhuli ng uwi ang kanyang ama galing hospital at nawawalan na ng oras sa kanila, ngunit binalewala nalang niya iyon.

Pagkatapos ng klase ni Consya ay nagyaya ang kanyang barkada na gumala dahil birthday ng isa sa kanila, maaga pa naman ay pumayag si Consya. Pamunta sila sa isang restaurant at doon kumain. Habang nag-uusap sila ng kanyang mga barkada ay nahagilap ni ang isang pamilyar na mukha. At laking gulat nalang niya ng makitang iyon ang kanyang ama na may kahalikan isang dalaga sa isang sulok ng restaurant. Kilala niya ang babae, ito ay isa sa mga nurse nga hospital na pinag tatrabahoan ng kanyang ama. Hindi alam ni Consya ang gagawin at litong-lito siya. Hindi siya nakapaniwala sa nakikita at hindi ni alam ang gagawin. Kaya't napagpasyahan nalang niyang umuwi. "Mauna na ako Stayce parang masakit ang aking ulo at tsaka gumagabi na rin" malumay na paalam ni Consya sa kanyang kaibigan.

Pa-uwi at hindi parin mapalagay si Consya sa nakita niya kanina. Maiiyak na siya habang nakasakay sa jepp. Mahal na mahal niya ang kanyang ama at ayaw niyang sabihin sa kanyang ina ang nakita niya. Sakit, galit at panghihinayang ang kanyang nadarama tungo sa kanyang ama. Dulot ng malalim na pag-iisip hindi niya namalayan na nakarating na siya sa kanyang bahay. Pagbukas niya ng pintuan ay nakangiting mukha ng kanyang ina ang sumalubong sa kanyan. "Anak! Kumusta? Pasensya kana ha? Matagal akong gumising kanina, napuyat lang kaka antay sa iyong ama, pero babawi ako pinaghandaan ko kayo ng masarap na hapunan, halikana at sabay na tayong kumain" anyaya ng kanyang ina. Ngunit binalewala ito ni Consya bagkos ay nagtanong siya sa kanyang ina "Nasaan po si tatay?". Bumagsak ang ngiti ng kanyang ina at sumagot ng "wala pa anak". Tama nga ang hinala ni Consya. At dahil doon umakyat siya at hindi na naghapunan.


Hindi namalayan ni Consya na nakatulog siya habang gumagawa ng mga takdang aralin. Nagising nalang siya  sa isang malakas na sigawan sa labas ng kanyang silid. dali-daling lumabas si Consha sa kanyang silid at sa unang pagkakataon nadatnan niya na nag-aaway ang kangyang ina at ama sa may sala. "Nay, Tay, ano ang nangtayari at nag-aaway kayo?" Sigaw ni Consha ng mangiyak-ngiyak.
"Itong nanay mo kasi anak kung ano-anong binibintang sa akin, eh walang alam yan! Sa bahay nalang nga parati at wala pang ginawang iba kundi ang mangbintang!" Galit na sabi ng kanyang ama. "Ako? Walang alam? kailang ka pa naging ganyan magsalita sa akin? Simula nong makipag talik ka doon sa dalaga mong maharot?!" muntik ng masampal ng kanyang ama ang kanyang ina dahil sa mga katagang binitawan nito ngunit napigilan ni Consha. "Nay Tay! Ano ba! Nakikinig ang mga kapatid ko, ma awa naman kayo sa amin" mangiyak-ngiyak na sabi ni Consha. Ngunit walang madaling umalis at iniwan sila ng kanyang ama doon na umuiiyak sa sala. Naki-usap si Consha sa kanyang ama na manatili ngunit parang bingi at walang paki nalang ito.

Kasama ng kanyang mga kapatid, pinuntahan nila ang kanilang ina sa sulok na umiiyak at niyakap. "Mga anak, pasensyahan ninyo ang inyung ama at ang pamilya natin, di bali na kung wala na siya, mamahalin ko kayo ng buo at walang pagkukulang at lagi ninyong tandaan na ang tutuong pag-ibig ay hindi lang mga ngiti sa masasayang panahon ngunit ito rin ay mga luha sa sa masasakit na salita" tugon nga kanyang ina. Sa mga panahong iyon l, napagtanto ni Consha na ang pagmamahal ay may dulot na saya at sakit at kahina anumang mangyari, tunay abg pag-ibig ng kanyang ina sa kanila at ganuon din ang pagmamahal nito sa kanilang pamilya. Marahil marami pang oras ang kinakailangan upang naghilom ang sigat sa kanilang nga puso basta't kasama nilang ang isat-isa, balang araw ay makakamit nilang ang kapatawaran sa isat-isa.

Makinig ka- Danica Malazarte

May isang dalagang babae na nagngangalan Mariz. Siya ay labing anim na taong gulang, at siya ang pinaka bata sa kanilang magkakapatid na sina Miel na walong labing taong gulaang at Mare dalawangput dalawang taong gulang Si Miel ay nag-aaral siya sa Canada dahil nakakuha siya nang scholarship sa basketball, Si Mare naman ay nag tatrabaho sa New York kasama ang kanyang asawa na si John (25). Si Mariz ay nag-aaral sa Xavier University dito sa Pinas kasama ang mga magulang nila na sina Jean at Jose.

Isang araw, lumalakad si Mariz sa hallway sa kanyang paaralan at habang siyay naglalakad tinutulak siya sa kanyang mga kaklase at schoolmates at tinitigan siya nang maigi sa mga tao sa hallway and iba naman ay nagbubulongan “Ew here comes the whore” “she gained a lot of weight, so gross!!”. Ang dahilan kung bakit ina-api si Mariz dahil nagkakalat ng mga chismis ang kanyang mga ahas na kaibigan. Dalawang taon na itong nangyayari kay Mariz at malapit na siya sumuko, hindi lang dahil sa pag-aapi sa mga estudyante sa paaralan kasali na rin ang problema  niya tungkol sa kanyang mga magulang; palaging nag aaway ang kanilang mga magulang dahil sa kakulangan ng pera pang gastosin. Nang dahil dito sinasaktan na niya ang kanyang sarili.Patuloy parin lumakad si Mariz patungo sa silid-aralan nila. Pagkatapos nang klase niya diretso si Mariz sa kanilang bahay. Noong parating na si mariz sa kanilang bahay, naririnig nanaman niya ang kanyang mga magulang na nag-aaway, pagpasok niya sa pinto ay patuloy pa rin nag-aaway ang kanyang mga magulang “WALA KANG KWENTA NA ASAWA!LAGI KA LANG UMIINOM,WALA KANG SILBI DITO SA BAHAY AT HINDI KA TUMUTULONG KAHIT MAN LANG SA PAG HUGAS NG MGA PINGGAN HINDI MO MAGAWA! WALA KA PANG TRABAHO AT HINDI KA PA GUMAGAWA NG PARAAN PARA MAKAKITA NG TRABAHO!”Sigaw ni
Jean. 

Hindi na mapigilan ni Mariz ang pagtulo sa kanyang luha at nag pasya na siyang mag hugas, at kumuha nang blade at saka niya sinumulan na sugatan ang kanyang kamay. Ilang minuto lumpias kumatok ang kanyang ina sa kanyang kwarto at sinabihan niya ang kanyang anak na “kakain na tayo anak.” Pero ang sabi ni mariz ay “Ayaw kong kumain ma, busog pa ako.” “Ah sige anak, magpahinga kana ha?” sabi ng Ina.

Ilang araw na lumipas ngunit pa ulit ulit lang ang mga pangyayari; ina-api parin siya sa mga estudyante, nag aaway parin ang kanyang mga magulang sa tuwing uuwi siya sa bahay nila, at patuloy rin niya sugatan ang kanyang sarili na walang nakaalam kase tinatago niya. Pumunta si Mariz sa kanyang locker para kumuha ng Philippine Politics na aklat, nung palapit na siya sa kanyang locker napansin niya na naka bukas ito at nilapitan niya pag bukas ng locker niya nawala lahat ang lahat ng gamit niya. Galit na galit si Mariz, tumakbo siya ng tumakbo sa silid aralan nila at pag pasok niya sumigaw soya ng “ANO BA YUNG PROBLEMA NIYO! AKIN NA NGA YUNG GAMIT KO” pinagtawan lang si Mariz sa kanyang mga kaklase at sinimulan nilang ihagis ang mga bagay sa kanya at nagsimula siya tumakbo pa uwi na umiyak si Mariz.

Pag dating ni Mariz sa bahay nila dumiretso siya sa kwarto niya, “MARIZ! ANAK ANO NANG YARI! BAKIT KA UMIYAK?” sigaw ng Ina habang sinundan niya ang kanyang anak sa kwarto pero hindi maka pasok si Jean kase naka lock ang kwarto ni Mariz. “ANAK BUKSAN MO TO, KAUSAPIN MO AKO ANAK PLEASE BUKSAN MO ANG PINTO” sabi ng ina nagmakaawa. Hindi parin nakikinig si Mariz, hinahanap ang blade at naka handa na ang tub niya. Tuloy parin nagmakaawa ang Ina ni Mariz na umiiyak ng dahil sa pag-alala. Lumipas ang ilang minuto at nagtaka si Jean sa labas ng pinto ng kwarto ni Mariz na bumaha ang kwarto at nagpapanick na si Jean at tinawag ang asawa niya at ang ambulansya. Pag dating ng asawa, tumakbo siya patungo sa kwarto ng anak niya at sinira ang pinto at diretso sila sa CR ni Mariz at hindi sila makapaniwala kung ano ang nakita nila; anak nila na duguan at nalunod sa tub. Sigaw nila “Anak you’re gonna be fine, everything’s gonna be fine. Just hang in there. We’re here don’t worry” habang naghihintay nila ang ambulansya sinisisi nila ang kanilang sarili kung bakit na ganito ang kanilang anak “Hindi ako makapaniwala Jose, sinisisi ko yung sarili ko” sabi ni Jean habang umiiyak “Sinisisi ko rin ang sarili ko Jean, kasalanan natin to. Hindi natin napansin ang ating anak dahil palagi lang tayo nag aaway” sagot ni Jose.

Ilang minuto dumating na ang ambulansya at dineretso nila sa Hospital. Tinawag nila ang kanilang anak na sina Miel at Mare “Mare, Miel,si mama at papa to. May nangyari kay Mariz please uwi muna kayo kailangan kayo ng kapatid niyo at kailangan ko kayo ngayon” sabi nina Jean at Jose sa kanilang mga panganay. Pagdating ng hospital dineretso sa mga paramedics si Mariz sa ER, naghihintay ang mga Magulang ni Mariz sa balita. Lumabas ang doctor na malungkot ang mukha, at alam na nila Jean at Jose na nawala na ang kanilang anak na si Mariz.


Pagkabukas ipinahayag ng paaralan kung ano ang nangyari kay Mariz. Hindi makapaniwala ang mga estudyante sa ginawa ni Mariz, at hindi nila mapigilang ang pagsisi sa ginawa nila kay Mariz. Sa araw ng libing ni Mariz, nadun lahat ng pamilya niya pati na sina Mare at Miel. Pagkatapos sa nangyari, nagbago na ang mga magulang nila at mas naging malapit na sila.

Unang Tingin- Edj Mahilum

Sa isang maliit na baryo ng San Isidro nakatira si Anna. Si Anna ang nagiisang anak nina Pedro at Maria, siya ay may makikislap na mata, matangos na ilong, mapupulang labi sa madaling salita maganda. Maraming kalalakihan sa San Isidro ang nabihag ni Anna ngunit dahil nag-iisang anak nga ito hindi pinapayagan ni Mang Pedro makapag relasyon sa isang “taga baryo” lamang gusto nilang mag asawa na makapagasawa ito ng taga bayan o mayaman.

Si Anna ay dalawamput isang taong gulang na at mag-aaral na sa kolehiyo, ito ang unang pagkakataon ni Anna na mapalayo sa kanyang ama at ina dahil sa bayan siya mag-aaral. Nung nakarating siya bayan at nag enrol na, ibinigay sa kanya ang kanyang skedyul at ang susi ng kanyang dormitoryo. Nang nakarating na si Anna sa kanyang dormitoryo may babae na naghihintay roon, iyon pala ang kanyang roommate. Nagaayos na si Anna ng kanyang mga gamit nang ayain siya ng kanyang roommate na maglakad lakad sa unibersidad. Habang naglalakad mas nakilala nila ang isa’t isa, nalaman ni Anna na si Mary ay nagiisa ring anak at ngayon palang nakapag aral sa bayan.

Kinabukasan, nagsimula na ang oryentasyon ng mga estudyante nakakilala pa si Anna ng mga kaibigan na kapareho niya ng kurso. Si Anna ay nagaaral ng AB Psychology, pangarap niya kasing maging propesyunal na psychologist dahil mayroon siyang matalik na kaibigan sa baryo na may depresyon at nagnanais siyang tulungan ang kanyang kaibigan. Sa oryentasyong iyon may nakilala siyang lalaki na nagngangalang Andrew at siya’y nabighani rito. Napaisip siya kung dito na ba sa bayan siya makakakita ng lalaking mamahalin niya. Napakasaya ni Anna nung malaman na kaklase niya ito sa halos lahat ng kanyang asignatura.

Sa unang araw ng eskwela nagmadali si Anna na makarating sa kanyang unang klase dahil ayaw niyang ma-late rito. Sa sobrang pagmamadali at buhat na tin ng kanyang kagayakan na makapag-aral siya pa ang nagiisang estudyante sa silid na iyon. Pero hindi naman siya nagsisi na napakaaga niya dahil sasamantalahin niya ang kanyang oras upang makapagisip kung ano ang kanyang sasabihin mamaya kung magpapakilala na siya sa kanyang sarili. Unti-unti nang dumarami ang mga estudyante sa silid na iyon at kinakabahan siya dahil baka mautal siya sa harapan habang nagpapakilala sa sarili. Mas ka kinabahan siya nung nakita niya ang lalaking nagugustuhan niya at ito’y tumabi pa sa kanya. Dumating na ang kanilang propesor at nagpakilala na sila isa-isa sa harap. Nagsimula nang magturo ang kanilang propesor at naririnig ni Anna ang mga inis na bulong bulungan ng kanyang mga kaklase, ngunit siya ay galak na galak na matuto. Nung malapit na matapos ang kanilang klase nagbigay pa ang kanilang propesor ng isang “research assignment” at nagsimula na naman ang mga bulong bulungan na nagpapahayag ng inis. Sa kabutihang palad na ipares si Anna sa kanyang katabi na si Andrew kaya magkakaroon sila ng oras na magkasama para maisagawa anv kanilang “assignment”.

Pumunta sila sa isang café sa labas ng kanilang paaralan at doon ginawa ang kanilang “assignment”. Habang ginagawa nila ito nakapagusap silang dalawa at mas nakilala na nila ang isa’t isa di akalain ni Anna na nagustuhan rin siya ni Andrew simula pa nung oryentasyon. Simula noon palagi na silang magkasama, tulad ng sa “lunch” tas hinahatid rin siya ni Andrew sa kanyang dormitoryo tuwing uwian. Mas nahuhulog na ang loob ni Anna kay Andrew. Nang makalipas ang ilang buwan nakapagdesisyon na si Andrew na tanungin si Anna na maging kanyang nobya, nagdadalawang sabi ni Anna “Ahh ehh Andrew hindi pa kasi pinapayagan ng aking mga magulang na magkaroon ng nobyo, natatakot akong napagalitan” nalungkot si Andrew sa narinig niya, ngunit inintindi rin ni Andrew ang sitwasyon ni Anna.

Kahit hindi opisyal sina Andrew at Anna, para parin silang mag nobyo sa kanilang mga kinikilos. Hindi lang masabi sabi ni Anna na nay nagugustuhan siyang binata sa bayan na kanyang kaklase. Napaisip rin si Anna na sabihan ito sa kanyang ama dahil sa tingin niya hindi naman tututol ang kanyang mga magulang dahil isang gwapo, matipuno, maginoo at mabait naman si Andrew. Nung nag sembreak na umuwi si Anna sa kanilang bahay at kinakabahan siya dahil aaminin na niya sa kanyang mga magulang na mayroon siyang nagugustuhan na binata sa bayan at nanliligaw na ito. Pagkarating ni Anna sa kanilang bahay nakita niya ang kaniyang ina at ama na masayang masaya dahil nakauwi siyang muli roon. “O anak kamusta ang iyong pag-aaral?” Pangungumusta ng ama ni Anna sa kanya, sagot naman ni Anna “Okay lang tay, matataas naman ang marka ko sa unang semestre” sabay ngiti pa nito. “Oh siya anak, alam kung pagod ka sa iyong biyahe, mga walong oras karing nakaupo sa bus at matagal tagal din ang biyahe galing sa terminal hanggang dito, anong gusto mong gawin? Magpahinga muna o kumain, naghanda ako ng paborito mo” sabi ng kanyang ina, “kakain muna ako ma, may gusto kasi akong sabihin sa inyo ni papa” kalmadong sabi ni Anna, “wag mong sabihin buntis ka” biro ng kanyang ama na tumatawa “alam ko naman na hindi ka ganyang klase babae anak, nagbibiro lang ako halika kumain na tayo” dugtong pa ng kanyang ama. Habang kumakain sila, nagkwentuhan pa sila tungkol sa buhay kolehiyo, at nakakita na ng magandang tyempo si Anna “ma, pa nais ko ho sana sabihan sa inyo na may nagugustuhan po akong binata sa unibersidad, at siya’y nanliligaw na po sa akin, kaklase ko po siya sa halos lahat ng asignatura, pangako mama at papa mabait po siyang binata” tuloy tuloy na sabi ni Anna, “ano anak, may nobyo ka na?” tanong ng kanyang ina “hindi nay, nanliligaw pa po” sagot naman niya. “Dalaga na talaga itong anak natin Mercy nagkakanobyo na, hanggang masaya ka anak nandito lang kami ng iyong ina handang sumoporta sa iyo” ngiting sabi ng kanyang ama, hindi akalain ni Anna na iyon ang isasagot ng kanyang ama akala niya papagalitan siya dahil sa kanyang balita. “Napakasaya ko po mama at papa na hindi niyo ako pinagalitan” sabi ni Anna, “bakita ka naman namin papagalitan anak, basta matataas lang iyong marka okay lang iyon, wag na wag mo lang pabayaan ang iyong pag aaral at okay lang ng ikaw magkanobyo” sagot ng kanyang ama, “oo nga anak, dalhin mo at ipakilala ang binatang iyan rito sa susunod na uwi mo” dagdag pa ng kanyang ina “opo mama, ipapakilala ko po si Andrew sa inyo sa susunod na uwi ko, baka sa summer na iyon ma” sagot ni Anna. Pagkatapos ng usapang iyo tinapos na nila ang kanilang mga pagkain at nagayos si Anna ng kanyang mga gamit, naghahanda na rin siya g matulog dahil napagod rin siya sa kanyang biyahe, napakagaan at saya ng nararamdaman ni Anna dahil tanggap ng kanyang mga magulang na mayroon na siyang nagugustuhan na binata.

Tinawagan niya si Andrew;
“Hi Andrew, may magandang balita ako sayo”
“Magandang hapon Anna, kamusta ka? Nakarating ka na ba sa inyong bahay?”
“Oo nakarating na ako, at nasabi ko na rin sa kanila mama at papa ang tungkol sa ating dalawa”
“Ano naman ang kanilang reaksyon roon?”
“Tanggap nila at masaya rin sila, dahil kahit may nagugustuhan na akong binata hindi ko parin napapabayaan ang aking pag-aaral”
“Magandang balita nga iyan, sana makabisita ako diyan at makikilala ko ang iyong mga magulang”
“Oo, sabi ni mama dalhin saw kita dito sa amin ng makilala ka nila”
“Magandang ideya iyan, sana sa summer maganap iyan”
“Yan ang naging paalam ko kay mama sa summer kita dadalhin rito”
“Sige maghahanda na akong sa talumpati na iaalay ko sa iyong mga magulang” biro ni Andrew
Habang tumatawa si Anna sabi niya “nababaliw ka na ba hindi na kailangan iyon” pangiting sabi niya
“Alam ko gusto ko lang makapagbigay ng magandang unang impresyon”
“O sya magpapahinga na muna ako napagod ako sa biyahe tatawagan lang kita pag nagkabakante ako. Mag ingat ka diyan Andrew”
“Sige magpahinga ka na, hihintayin ko ang tawag mo, mag ingat ka rin Anna”



Natapos ang paguusap nila sa telepeno at masayang nagpahinga si Anna dahil sa wakas wala na siyang itinatago na lihim sa kanyang mga magulang.

Ka-Ibigan - Kent Chan

Isang araw may lalake na nag ngangalan na Jeff tapos itong lalake na 'to ay napaka simple lang at hindi siya yung lalakeng tipo na gaya ng mga mayayaman at magaling sa sports hindi naman ito gaano ka talino pero itong lalakeng ito ay mabait, magalang at maka diyos. Sa isang araw sa paaralan, may mga pagtitipon tipon sa mga organisasyon ng paaralan at si Jeff ay may nakitang babae na bigla na lang siya napatulala at para siyang na naakit sa kanyang kagandahan dahil ang ganda ng babaeng ito ay parang diwata at yan ang rason kung bakit napatulala si Jeff.

Dahil sa ganda ng babaeng nag ngangalan na Jane, nahulog ang loob ni Jeff kay Jane at nagtangka itong lumapit kay Jane pero siya ay napa hinto ng saglit dahil siya ay napa-isip na "Baka hindi niya ako papansinin?". Pero lumapit pa rin siya at nagpakilala at ang sabi niya ay "Magandang umaga binibini, ako pala si Jeff." at tumingin si Jane kay Jeff at sinabing "Magandang umaga din, ako naman si Jane." at silang dalawa ay napangiti. Pag dating ng hapon, niyaya ni Jeff si Jane na lumabas para mag kape at dahil si Jane ay walang ibang lakad, siya ay sumama kay Jeff. Sa coffee shop sila ay nag kuwentuhan, nagkatuwaan at nagtatawanan at makikita talaga na komportable si Jane kay Jeff at pagkalipas ng mga araw, araw-araw na nila itong ginagawa at laging binibigyan ni Jeff ng Bulaklak ang magandang Binibini na si Jane at laging hinahatid pauwi.

Pero dumating ang araw na may kasamang ibang lalake si Jane at nasaktan si Jeff dahil iba na ang kanyang kasama pero biglang napa isip si jeff "Sino ba naman ako para mag selos? Eh kaibigan lang naman kami." Sabi ni jeff. At pag ka bukas ay kinausap ni Jeff si Jane at napatanong "Sino yung kasama mo kahapon?" Tanong ni Jeff kay Jane. "Isang kaibigan lamang." Sabi ni Jane. "May pag-asa pa ba ako sayo Jane?" Sabi ni Jeff. "Mabait ka naman Jeff, Gwapo at Magalang pero ang tingin ko sayo ay kaibigan lamang." Sagot ni Jane kay Jeff. Sa panahong ito parang naiiyak na si Jeff pero pinipilit pa rin niya na hindi niya mapakita kay Jane na siya ay nasasaktan na napatanong na naman ulit si Jeff "Jane ano ba ang wala saakin na meron sila? Dahil ba mayaman sila?" Pagalit na pag sabi ni Jeff. "Hindi naman sa ganyan Jeff, May mga bagay talaga dito sa mundo na kung kaibigan lang kayo, talagang hanggang kaibigan lang talaga kayo." Sagot ni Jane.

Simula sa araw na ito, si Jeff ay parang may naitinanim na 

galit sa kanyang puso at naawa na siya sa kanyang sarili dahil bakit hindi raw siya minahal ni Jane sa lahat ng ginawa niya para kay Jane ay parang wala lamang at hindi ito nabigyan ng pansin o halaga. Marami nang mga tanong sa kanyang utak at parang wala na siyang planong mag mahal ulit dahil sa nangyari sa kanya pero napagtantohan niya na hindi pa huli ang lahat at may dadating pa ring biyaya sa kanyang buhay at baka ang nadaanan niya noon ay isang pagsubok lamang.

Salamat - Arniela Ventura

Sa pinakamamahal ko,
Salamat sa iyong pag-ibig
Sa lubos na pagmamahal
Kahit ang hirap nang umibig

Salamat sa pagtuturo sa akin
Na mahalin ang sarili ko
Kay liit na ang pananaw sa sarili
Kahit na ipinilit ko na
"Hindi ako karapatdapat sa iyong pagibig"
Ngumiti ka lang at minahal mo parin ako


Salamat sa pagintindi
Kahit kai hirap na at malabo na ang lahat
Hindi ka sumuko
Hindi mo ko iniwan
Naniniwala ka parin sa akin

Pasensya kana
Sa lahat na ginawa kong nakakasakit na sa iyo
Sa mga pangakong nasira
Sa mga oras na sumuko na ako
Ipinagtaggol mo parin tayo

Sa pagturo mo sa akin
At ipinakita ang iyong pagibig
Naniniwala na ako ulit
Na may kabutihan pa ang mundo
Sa pagmamahal na walang hinihinging kapalit
At higit sa lahat
Sa sarili ko

Sa pinakamamahal ko,
Salamat sa iyong pag-ibig
Salamat na ipinagtagpo tayong dalawa
Salamat na nakilala kita at naging kaibigan
Salamat sa walang hanggang pagmamahal

Salamat Mahal ko.

Alay Sayo - Alaiza Micabalo

Sa kabila ng sakit na dinadala
Madalas kung ikaw ay mag-isa
Sa isang sulok ay nakatulala
Iniisip ang buhay na mapakla

Damdaming napakabigat
Dulot ng pangyayaring maalat
Pag-iyak ay hindi sapat
Luha sa mga unan ay nagkalat

Isaisip na hindi ka nag-iisa
Sarili’y palayain sa iyong hawla
Imulat iyong mg mata
Umaga ay bagong pag-asa

I-alay sa sarili ay pag-ibig
Sakit ay isigaw sa daigdig
Wag bumitaw sa lubid
Aking mga Kapatid

Mahal Ko - Danica Malazarte

Simple lang man ako noon
Walang pakialam sa panahon
Pero bakit nag iba ako ngayon
Simula umamin tayo kahapon

Hindi ako makapigil sa pag-iisip sa damdaming bumalik
Ngayon gusto ko umibig ulit na may gimik
At handa ako bumalik sa damdaming umiibig
Ang tanong ngayon, gusto ka ba umibig?

Lumipas ang ilang araw at naging tayo
Ngayon ko lang naramdaman na ganito ako kasaya sa’yo
Mahal ko, wag mong isipin na tayo ay magkalayo

Dahil puso ko ay umiibig lang sa’yo