May isang dalagang
babae na nagngangalan Mariz. Siya ay labing anim na taong gulang, at siya ang
pinaka bata sa kanilang magkakapatid na sina Miel na walong labing taong
gulaang at Mare dalawangput dalawang taong gulang Si Miel ay nag-aaral siya sa
Canada dahil nakakuha siya nang scholarship sa basketball, Si Mare naman ay nag
tatrabaho sa New York kasama ang kanyang asawa na si John (25). Si Mariz ay
nag-aaral sa Xavier University dito sa Pinas kasama ang mga magulang nila na
sina Jean at Jose.
Isang araw,
lumalakad si Mariz sa hallway sa kanyang paaralan at habang siyay naglalakad
tinutulak siya sa kanyang mga kaklase at schoolmates at tinitigan siya nang
maigi sa mga tao sa hallway and iba naman ay nagbubulongan “Ew here comes the
whore” “she gained a lot of weight, so gross!!”. Ang dahilan kung bakit ina-api
si Mariz dahil nagkakalat ng mga chismis ang kanyang mga ahas na kaibigan.
Dalawang taon na itong nangyayari kay Mariz at malapit na siya sumuko, hindi
lang dahil sa pag-aapi sa mga estudyante sa paaralan kasali na rin ang
problema niya tungkol sa kanyang mga magulang; palaging nag aaway ang
kanilang mga magulang dahil sa kakulangan ng pera pang gastosin. Nang dahil
dito sinasaktan na niya ang kanyang sarili.Patuloy parin lumakad si Mariz
patungo sa silid-aralan nila. Pagkatapos nang klase niya diretso si Mariz sa
kanilang bahay. Noong parating na si mariz sa kanilang bahay, naririnig nanaman
niya ang kanyang mga magulang na nag-aaway, pagpasok niya sa pinto ay patuloy
pa rin nag-aaway ang kanyang mga magulang “WALA KANG KWENTA NA ASAWA!LAGI KA
LANG UMIINOM,WALA KANG SILBI DITO SA BAHAY AT HINDI KA TUMUTULONG KAHIT MAN
LANG SA PAG HUGAS NG MGA PINGGAN HINDI MO MAGAWA! WALA KA PANG TRABAHO AT HINDI
KA PA GUMAGAWA NG PARAAN PARA MAKAKITA NG TRABAHO!”Sigaw ni
Jean.
Hindi na mapigilan
ni Mariz ang pagtulo sa kanyang luha at nag pasya na siyang mag hugas, at
kumuha nang blade at saka niya sinumulan na sugatan ang kanyang kamay. Ilang
minuto lumpias kumatok ang kanyang ina sa kanyang kwarto at sinabihan niya ang
kanyang anak na “kakain na tayo anak.” Pero ang sabi ni mariz ay “Ayaw kong kumain
ma, busog pa ako.” “Ah sige anak, magpahinga kana ha?” sabi ng Ina.
Ilang araw na
lumipas ngunit pa ulit ulit lang ang mga pangyayari; ina-api parin siya sa mga
estudyante, nag aaway parin ang kanyang mga magulang sa tuwing uuwi siya sa
bahay nila, at patuloy rin niya sugatan ang kanyang sarili na walang nakaalam
kase tinatago niya. Pumunta si Mariz sa kanyang locker para kumuha ng
Philippine Politics na aklat, nung palapit na siya sa kanyang locker napansin
niya na naka bukas ito at nilapitan niya pag bukas ng locker niya nawala lahat
ang lahat ng gamit niya. Galit na galit si Mariz, tumakbo siya ng tumakbo sa
silid aralan nila at pag pasok niya sumigaw soya ng “ANO BA YUNG PROBLEMA NIYO!
AKIN NA NGA YUNG GAMIT KO” pinagtawan lang si Mariz sa kanyang mga kaklase at
sinimulan nilang ihagis ang mga bagay sa kanya at nagsimula siya tumakbo pa uwi
na umiyak si Mariz.
Pag dating ni
Mariz sa bahay nila dumiretso siya sa kwarto niya, “MARIZ! ANAK ANO NANG YARI!
BAKIT KA UMIYAK?” sigaw ng Ina habang sinundan niya ang kanyang anak sa kwarto
pero hindi maka pasok si Jean kase naka lock ang kwarto ni Mariz. “ANAK BUKSAN
MO TO, KAUSAPIN MO AKO ANAK PLEASE BUKSAN MO ANG PINTO” sabi ng ina nagmakaawa.
Hindi parin nakikinig si Mariz, hinahanap ang blade at naka handa na ang tub
niya. Tuloy parin nagmakaawa ang Ina ni Mariz na umiiyak ng dahil sa pag-alala.
Lumipas ang ilang minuto at nagtaka si Jean sa labas ng pinto ng kwarto ni
Mariz na bumaha ang kwarto at nagpapanick na si Jean at tinawag ang asawa niya
at ang ambulansya. Pag dating ng asawa, tumakbo siya patungo sa kwarto ng anak
niya at sinira ang pinto at diretso sila sa CR ni Mariz at hindi sila
makapaniwala kung ano ang nakita nila; anak nila na duguan at nalunod sa tub.
Sigaw nila “Anak you’re gonna be fine, everything’s gonna be fine. Just hang in
there. We’re here don’t worry” habang naghihintay nila ang ambulansya sinisisi
nila ang kanilang sarili kung bakit na ganito ang kanilang anak “Hindi ako
makapaniwala Jose, sinisisi ko yung sarili ko” sabi ni Jean habang umiiyak
“Sinisisi ko rin ang sarili ko Jean, kasalanan natin to. Hindi natin napansin
ang ating anak dahil palagi lang tayo nag aaway” sagot ni Jose.
Ilang minuto
dumating na ang ambulansya at dineretso nila sa Hospital. Tinawag nila ang
kanilang anak na sina Miel at Mare “Mare, Miel,si mama at papa to. May nangyari
kay Mariz please uwi muna kayo kailangan kayo ng kapatid niyo at kailangan ko
kayo ngayon” sabi nina Jean at Jose sa kanilang mga panganay. Pagdating ng
hospital dineretso sa mga paramedics si Mariz sa ER, naghihintay ang mga
Magulang ni Mariz sa balita. Lumabas ang doctor na malungkot ang mukha, at alam
na nila Jean at Jose na nawala na ang kanilang anak na si Mariz.
Oo, dapat MAKINIG tayo sa mga impit na sigaw at tahimik na iyak ng ating kapwa. Ang paninirang-puri at anumang anyo ng bullying ay isang uri ng pagpatay. Sana, hindi na kailangan ng sinumang Mariz na kitlin ang kayang buhay upang tayo'y MAKINIG sa kanya.
ReplyDelete